Estados Unidos, nagbabala sa China sakaling suportahan nito ang Russia sa pananakop sa Ukraine

Handang parusahan ng Amerika ang Tsina sakaling suportahan nito ang pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ito ang magiging pokus ng talakayan nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping sa magiging pag-uusap nila sa telepono.

Ayon kay White House Press Secretary Jen Psaki, pagkakataon na ito para kay President Biden upang malaman kung saan pumapanig si President Xi sa naturang isyu.


Nangangamba ang Amerika na bigyan ng full financial at maging military support ang Russia na posibleng magpagulo lalo ng sitwasyon.

Sisiguraduhin naman ni Biden na mananagot ang Tsina sakaling suportahan ang Russia at hindi ito magdadalawang-isip na magpataw ng parusa.

Matatandaang kinondena nina President Biden at ilang western leaders ang pananakop ng Russia sa Ukraine kung saan nagpataw ang mga ito ng mabibigat na economic sanctions laban sa Russia.

Facebook Comments