Manila, Philippines – Ipinagkaloob ng Estados Unidos ang higit 100 milyong pisong tulong pinansyal sa Pilipinas para sa kampanya laban sa iligal na droga.
Alinsunod ito sa nilagdaang kasunduan nina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at US Ambassador Sung Kim na magkaroon ng tulungan ang Pilipinas at Amerika pagdating sa pagpapababa ng demand para sa illegal drugs.
Ayon kay Cayetano – malaki ang maitutulong nito lalo na sa drug rehabilitation programs ng pamahalaan.
Makatutulong din ito sa pag-develop ng drug reduction programs na tututok sa public health at community-based interventions.
Ang karagdagang pondo ay magmumula sa Bureau of International Narcotics and law ng US Department of State.
Facebook Comments