Estados Unidos, nagpatawag ng pagpupulong sa UN Security Council hinggil sa missile launch sa North Korea

World – Nagpatawag ang Estados Unidos ng pagpupulong sa United Nations Security Council ng pagpupulong kasunod ng isinagawang missile launch ng North Korea.

Ayon sa mga analyst ng US military, ang inilunsad Nilang Intercontinental Ballistic Missle (ICBM) ay kayang tawirin ang Pacific Ocean hanggang Alaska.

Una nang nanawagan ang China at Russia sa Pyongyang na itigil ang mga paglulunsad nito ng mga nuclear program kasabay apelang ihinto ng Amerika ang kanilang military exercise sa South Korea.


Bukas inaasahang gagawin ang closed-door meeting.

Facebook Comments