Nangako ang gobyerno ng Estados Unidos na tutulong sa isinagawang clean-up operation sa tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil matapos ang ginawang report ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw patungkol sa update sa naganap na oil spill.
Sinabi raw ni Secretary Galvez sa pangulo na tumawag sa kanya kagabi si US Secretary of Defense Lloyd Austin at nagbigay ng katiyakan na magde-deploy ng US naval units para tumulong sa clean-up operation.
Ayon kay Secretary Gavez, bumabiyahe na ngayon patungo sa Oriental Mindoro ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team ng Estados Unidos.
Batay sa huling update, mayroon ng mahigit 32,0000 mga pamilya ang apektado ng oil spill sa MIMAROPA at Western Visayas.
Sa ngayon, nasa Oriental Mindoro na ang Japanese under water robot na tumutulong din sa clean-up operations.