Plano ng US State Department na palawigin pa ang kanilang ‘Do Not Travel’ Guidance sa halos 80% na mga bansa sa mundo.
Ayon sa ahensya, layon nitong maiwasan ang mga hindi inaasahang panganib bunsod ng COVID-19 na posibleng bitbit ng mga biyahero.
Dahil dito inaasahang aakyat sa 130 ang mapapabilang sa listahan kabilang ang Chad, Kosovo, Kenya, Brazil, Argentina, Haiti, Mozambique, Russia at Tanzania.
Matatandaan una nang pinagbawalan ng Washington na makapasok sa kanilang lugar ang lahat ng non-U.S citizen na galing sa Europe, China, Brazil, Iran at South Africa.
Facebook Comments