Estados Unidos, tiniyak na tutulong sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty

Nababahala ang Estados Unidos sa presensya ng Chinese Vessels sa South China Sea at nangakong susuportahan ang Pilipinas sa ilalim ng mutual defense pact.

Ito ang napag-usapan nina US Secretary of State Anthony Blinken at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa isang telephone conversation.

Nanawagan si Blinken sa China na sundin ang arbitral ruling na nagbabasura sa pag-aangkin nila sa buong South China Sea.


Tiniyak ni Blinken na umiiral ang 1951 US-Philippine Mutual Defense Treaty sa South China Sea.

Suportado nina Locsin at Blinken ang bilateral at multilateral cooperation sa South China Sea.

Facebook Comments