Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi hiniling ng Estados Unidos kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagkaloob ang absolute pardon kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ayon kay Locsin, nasurpresa si outgoing US Ambassador Sung Kim sa iginawad na pardon sa US Marine.
Inaasikaso na ang mga papeles hinggil sa pardon ni Pemberton at sa nakatakda nitong paglaya.
Si Locsin ang chairperson ng Presidential Commission on Visiting Forces, ang government body na nangangasiwa sa presensya ng US military forces sa Pilipinas na may kaugnayan sa joint exercises.
Facebook Comments