ESTAFA | Empleyado ng DILG arestado sa Makati City

Makati City – Arestado ang isang empleyado ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa kasong estafa, Barangay La Paz, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Maria Concepcion Doctora na umano ay tauhan ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III.

Dinampot si Doctora sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Judge James Sy ng Makati Municipal Trial Court branch 65 noong Hunyo 21.


Nakakulong ngayon si Doctora sa Ayala Police Station at inirekumendang magbayad ng piyansang P30,000.

Facebook Comments