ESTAFA | Isang pulis, nahaharap sa patung-patong na kaso

Parañaque City – Nahaharap sa kasong syndicated estafa ang isang awol na pulis sa Parañaque City matapos na hindi maibalik ang perang inilagak sa kaniya ng mga investor.

Sa ulat, nabigo ang suspek na dating pulis na si PO2 Michael Ocampo Yap na maibalik ang pera ng mga biktima na nag-invest sa itinayo nitong kumpaniya na “Low Profile Summit Corporation”.

Dahil dito, napilitan ang mga biktima na karamihan ay mga uniformed personnel at Overseas Filipino Worker (OFW) na magsampa na ng kaso laban kay Yap.


Nabatid na na-engganyo sila mag-invest dahil sa pangakong 20-30 porsiyentong interes kada buwan.

Depensa naman ni Yap, nabiktima lang din siya ng isa pang investment scam pero sinusubukan na niyang mabawi ang inilagak na pera sa ibang kompanya, na siya namang gagamitin niya para maibalik ang perang inilagay ng mga investors sa Low Profile.

Facebook Comments