ESTAFA | Suspek na naloko sa Pinoy na nasa Amerika, kinasuhan na

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong estafa sa Manila Prosecutor’s office ang suspek na nanloko sa isang Pinoy na nakabase sa Amerika.

Kahapon nang magkaharap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng biktima na si Alejander Bugarin at ang suspek na si Tomas Necasio Nazareno.

Ayon sa biktima, ipinakilala lamang sa kanya ng isang kaibigan ang suspek na nagpanggap na may 30-billion US dollars na deposito sa HSBC –Thailand.


Ayon sa biktima, ipinaalam sa kanya ng isang Pastor Gavino Ronquillo ang tungkol sa naturang halaga ng assets sa bangko subalit pumanaw na raw ang tunay na may-ari nito kaya nailipat ang deposito sa pangalan ng suspek na si Nazareno.

Gayunman, walang pera si Nazareno para makapunta sa Thailand at iproseso ang withdrawal ng pera.

Dito na siya inalok ni Pastor Gavino na magpaluwal ng p2-million para sa travel expenses at logistical needs ni nazareno kapalit ang malaking interes sa kanyang investment.

Nang umabot na sa higit tatlong milyong piso ang nahingi ng suspek, nagduda na siya at nakipag-ugnayan sa mga otoridad.

Facebook Comments