Nais ng Philippine National Police (PNP) na gayahin ang estilo ng Germany sa pagresolba ng mga krimen upang mapabuti ang peace and order situation sa bansa.
Ayon kay PNP Chief, P/Gen. Oscar Albayalde, nang makausap niya ang ilang matataas na German officials, ang susi para sa kaayusan at kapayapaan ay nakasalalay sa pagtutulungan ng pulisya at government prosecutors.
Dapat aniya mapagtibay ang kooperasyon sa pagitan ng prosekusyon at ng PNP.
Ito ang nakikita ni Albayalde na kulang sa Pilipinas.
Bagamat magaling humawak ng criminal cases ang ating kapulisan, sinabi ni Albayalde na kulang ang bansa ng investigation equipments at iba pang modern investigative tools.
Facebook Comments