Estilo ng pag-akyat bahay ng isang lalaki sa pasay, huli sa CCTV

181

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pag-a-akyat bahay ng isang lalaki na nagpanggap pa na kapitbahay sa barangay 40, zone 5, Pasay City.

Sa video, pumarada ang isang lalaking nakamotorsiklo sa isang compound at papasok na siya ay taga-roon.

Nang makarating ang lalaki sa isang baha paglabas nito ay may bitbit na itong 42-inch na flat screen TV.


Para hindi mahalatang ninanakaw nito ang TV ay nakipagkamustahan pa ito sa mga residente.

Nagawa pa ng lalaki na i-maneho ang kanyang motorsiklo habang bitbit ang dambuhalang tv.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Diosdidet Morales, madalas na target ng suspek ay ang mga malalaking appliances.



Nagbabala naman ang barangay sa posibilidad na armado ang suspek.

Dahil dito, nanawagan ang mga otoridad na agad ipagbigay-alam sa kanila kapag namataan ang salarin.

Facebook Comments