Estimated national budget para sa susunod na taon, ilalabas sa ikalawang linggo ng Mayo ayon sa DBM

Mailalabas na ng gobyerno kung magkano ang estimated national budget ng bansa para sa 2024 sa ikalawang linggo ng buwan ng Mayo.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na humiling siya sa mga ahensya at tanggapan ng gobyerno na isumite ang kani-kanilang budget proposals bagong matapos ang buwang ito.

Sinabi pa nang kalihim, ganun pa rin ang prayoridad sa pondo para sa susunod na taon, nakatutok pa rin aniya sa social services sector na may 39% na pondo ngayong taon.


Maging ang sektor ng edukasyon, manpower development kasama na ang pagsasanay sa mga manggagawa; sektor ng kalusugan, at cash assistance sa mahihirap ay prayoridad ng pamahalaan.

Ayon sa kalihim, para sa taong ito, inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ₱5.268 trilyong national budget.

Facebook Comments