Estonia Prime Minister Kaja Kallas, inimbitahan si PBBM na bumisita sa kanilang bansa at nangako sa gobyerno ng Pilipinas na tutulong sa pagsulong ng digitalization at e-governance

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Estonia Prime Minister Kaja Kallas na ipupursige ang pagsusulong ng digitalization at e-governance.

Ang kasunduan ay ginawa ng dalawang lider matapos ang kanilang bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.

Sa pagpupulong ng dalawa hiningi ni Pangulong Marcos Jr., ang tulong ng bansang Estonia para sa digital transformation ng Pilipinas sa harap na rin ng mga kinakaharap na mga cyber-attacks.


Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kayang-kaya ng bansang Estonia na tulungan ang Pilipinas para maging digitalization government ang Pilipinas.

Para naman mas matuto raw ang gobyerno ng Pilipinas sa larangan ng digitalization, inimbitahan ni Prime Minister Kaja Kallas si Pangulong Marcos Jr., na bumista sa kanilang bansa upang mas maraming matutunan pagdating sa usapin ng electronic government o digitalization program.

Ang digitalization program ang isa sa pangunahing agenda ng Marcos administration dahil sa paniniwalang ang digital technology ang makakatulong sa mga Pilipino na maunawaan ang mga programa ng gobyerno.

Facebook Comments