Estratehiya ni PBBM sa paglaban sa ilegal na droga, pinuri ng liderato ng Kamara

Pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang estratehiya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos para makamit ang drug-free Philippines.

Ayon kay Romualdez, ang isinusulong ni PBBM na laban sa ipinagbabawal na gamot ay mahalaga para sa kinabukasan, seguridad, at moral na direksyon ng bansa.

Kinatigan din ni Romualdez ang pasya ni Pangulong Marcos na personal na pangunahan ang pagsira sa halos ₱8.9 bilyong halaga ng shabu na nakuha ng mga mangingisda na palutang-lutang sa dagat na sakop ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Cagayan.

Diin ni Romualdez, ang hakbang ni President Marcos ay nagpapalakas ng kumpiyansa ng publiko sa sistema at nagsisiguro na walang iligal na droga na muling makararating sa mga komunidad.

Facebook Comments