Estudyante at sastre nahuling may armas

BACOLOD CITY – Nahaharap sa kasong violation ng Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ang isang estudyante at isang sastre matapos itong nahulihan ng armas sa Brgy. Taculing dito sa Bacolod City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Leony Dichosa Jr. 19 yrs old at ang sastre na si Paquito Pancho, 44 yrs. old lahat residente ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon ng Police Station 6 napag-alaman na sina Dichosa at Pancho ang nag-iinuman sa isang beerhouse malapit sa Station 6 at ng malasing na ang mga ito, inutusan ng sastre ang estudyante na paputukan ang mga nag-iinuman din sa katabi nitong lamesa na siya namang pinagmulang ng komosyon.


Nang dumating ang mga pulis, nakuha sa possession ng mga suspek ang isang .38 calibre na armas at kaagad na sasampahan ng kaso ang mga ito ngayong araw./ Filipino version – Agnes Apostol

Facebook Comments