Estudyante biktima ng snatching

Isang estudyante ang dumulog sa PP2 matapos itong mabiktima ng snatching kamakalawa ng gabi sa Ramon Rabago extension ditto sa lungsod.Kinilala ang biktima nasi Christian Paul Valdez 20 anyos na residente ng Gonzalo Javier street.
Sa kanyang report, dakong 8:10 ng gabi habang siyay naglalakad sa ramon rabago extension ng bigla siyang pinarahan ng motorsiklo na may apat na sakay at mabilis na hinablot ang dalawa nitong cellphone na isang asuz at cherry mobile na nagkakahalaga ng 13,000 pesos. Matapos makulimbat ang mga cellphone ay mabilis namang kumaripas ng takbo ang mga suspect patungo sa madilim na bahagi ng lugar habang ang biktima ay agad na nagreport sa PP2, sa pagresponde ng kapulisan ay nabigo naman silang maabutan ang mga suspect.

Facebook Comments