Estudyante sa California, binayaran ang ‘school lunch debt’ ng kaklase galing sa allowance

Photo courtesy of HuffPost

Isang 9 taong gulang ang nag-ipon mula sa kaniyang allowance upang mabayaran ang utang na school lunch ng kaklase sa West Park Elementary School, California.

Ayon sa panayam sa ina ni Ryan na si Kylie Kirkpatrick sa ABC7, pinatanong ng kaniyang anak kung magkano ang utang ng kaklase cafeteria. Nalaman niyang $74.50 ito at sinabi ng bata na kaya niyang bayaran ito.

Ang cafeteria ng nasabing paaralan ay nagbibigay pa rin ng school lunch sa mga estudyante kahit may balanse pa ang mga ito.


Ang school lunch ay nagkakahalagang 30 cents hanggang $3.25 kada meal.

Pinahayag naman ni Ryan na wala siyang intensyon na ipagyabang ang kaniyang ginawa.

“I want them to realize people actually think about them because you’re not just bragging about stuff,” ani ni Ryan.

“I want them to feel happy someone cares about them,” dagdag niya.

Ayon sa isang tweet ni Bernie Sanders, Dating kinatawan ng Estados Unidos, hindi dapat nagkakautang ang mga estudyante ng school lunch lalo na’t isa ang kanilang bansa sa pinakamayaman sa buong mundo.

Facebook Comments