Estudyante, Dead on the Spot sa Salpukan ng Motorsiklo at SUV!

Cauayan City, Isabela- Patay ang 16 anyos na estudyante matapos sumalpok sa sasakyan ang minamaneho nitong motorsiklo ganap na alas 11:00 sa pambansang lansangan sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang biktima na si John Erol Ramos, 16 taong gulang, grade 11 student at residente ng Brgy. Sinippil Reina Mercedes Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang lansangan patungong Cauayan City habang ang suspek na si Richard Bigbigan, 30 anyos, may-asawa, Civil Engineer, residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela ay patungo sa Lungsod ng Ilagan.


Umagaw sa linya ang biktima kaya’t sumalpok ito sa kasalubong na sasakyan na minamaneho ng inhinyero.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima at isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival (DOA).

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments