Estudyante Dinakip sa Alicia, Isabela

Alicia, Isabela – Arestado ang isang estudyante matapos isilbi ang Warrant of Arrest kaninang alas diyes trenta ng umaga (10:30AM) sa Brgy. Bonifacio, Alicia, Isabela.

Kinilala ang akusado na si John Paulo Cayme, 19 anyos, binata at residente ng Purok Uno, Brgy. Bonifacio, Alicia, Isabela.

Ang suspek ay dinakip ng mga tauhan ng PNP Alicia matapos na ipinalabas ni hukom Jane T. Yap-Evangelista ng 3rd MCTC ng Victoria, Tarlac ang kanyang mandamiento de aresto dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.


Siya ang makakalaya lamang kung siya’y makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng tatlumpung libong piso.

Dinala na ang akusado sa himpilan ng kapulisan sa alicia para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments