Estudyante, Huli sa Pagbebenta ng Pinatuyong Dahon ng Marijuana

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang estudyante matapos umanong maaktuhang nagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana dakong alas-4:30 kahapon sa Brgy. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si Kevin Malana, 20-anyos at residente ng Ugac Sur, Tuguegarao City.

Dinakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cagayan at PNP matapos ang ikinasang buy-bust operation.


Nakumpiska mula kay Malana ang dalawang supot na naglalaman ng marijuana na may fruiting tops na tumitimbang ng 100 grams matapos nitong bentahan ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha rin sa kanya ang buy-bust money at isang cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments