ESTUDYANTE MULA ALAMINOS CITY, NAGPAKITANG GILAS SA GLOBAL IT CHALLENGE FOR YOUTH WITH DISABILITIES!

Small but terrible yan ang pinatunayan ni idol Dave Peralta Soriano mag aaral ng Alaminos City National High School matapos nitong ipakita ang galing at determinasyon ng manalo sa Provincial Level, National Level at ngayon ready to conquer ang kanyang international Level.
Matapos mag-uwi ng award si Dave sa category na eContent at Creative Smartcar (Robotics) sa kakatapos na 2023 National IT Challenge for Youth Disabilities sa Bayview Park Hotel, Manila noong June 26-28, 2023, siya ay lalahok sa Global IT Challenge for Youth with Disabilities sa darating na October na gaganapin sa Dubai.
Bukod kay Dave kakasama niya sina Renz C. Baring at Mark John B. Reynosa ng Bayambang National High School at si Christian Gerico P. Somoray ng Urdaneta City National High School. Sila ay mga youth with disabilities na produkto ng 1st Pangasinan IT Challenge.

Mula sa IFM lubos kaming humahanga sa iyo mga Idol. Isang malaking karangalan ang tagumpay na tinatamasa ninyo sa larangan ng information technology sa kabila ng kaniyang kapansanan. |ifmnews
Facebook Comments