ESTUDYANTE MULA ROXAS, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG MARIJUANA

Cauayan City – Bistado sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang isang estudyante noong ika-13 ng Hulyo sa Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Nagpositibo sa ikinasang Anti-Illegal drug rug buy-bust operation ng mga awtoridad si alyas “Sendo”, kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals.

Nakuha sa suspek ang buy-bust item na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may kasamang fruiting tops na nakabalot sa isang papel, at isang genuine 1000 peso bill na siyang buy-bust money.


Bukod pa rito nasamsam rin sa pag-iingat ng suspek ang isang silyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at mga non-drug items.

Samantala, matapos ang tagumpay na operasyon kaagad na dinala sa himpilan ng Roxas PS ang mga nakalap na ebidensya maging ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments