Estudyante mula sa Cagayan na unang nagself-quarantine, negatibo sa COVID-19

161

Kinumpirma ng Department of Education o DepEd na nagnegatibo sa COVID-19 ang isang grade 7 na estudyante sa Cagayan na unang nag-self quarantine matapos dumating mula sa Macau ang kanyang ina.

Sa Press Conference sa Maynila, sinabi ni Education Undersecretary for Adminstraion Allan Pascua, na kinumpirma mismo sa kanila ng Department of Health o DOH na negatibo sa COVID-19 ang grade 7 student mula sa Lasam, Cagayan.


Gayunman, meron pa aniya silang dalawang estudyante at dalawang personnel na patuloy na minomonitor.

Ang isang personnel aniya nila mula sa Misamis Occidental school division, at isa naman sa Malaybalay school division ang hindi na muna pinapasok sa kanilang trabaho.

Ayon kay Pascua, galing sa Australia ang personnel nila sa Misamis Occidental.

May connecting flight naman sa China ang personnel na mula sa Malaybalay.

Facebook Comments