Estudyante mula San Mateo sa Isabela, napili para gumawa ng national costume ng isang Miss Universe 2020 candidate

44

Isang kandidata sa Miss Universe 2020.

Ayon sa 20-anyos na si Kennedy Jhon Gasper, personal na nagpadala ng mensahe sa kaniya ang kandidata mula sa Cameroon matapos makita ang kaniyang fashion illustration ng national costume.


Nagdalawang-isip pa aniya siya lalo’t wala siyang sapat na kakayanang pinansyal para gawin ang costume.

Pero sa tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan at ilang mga kaibigan, natapos ni Gasper ang national costume sa loob ng apat na araw na inaasahang darating sa USA bago ang kumpetisyon sa May 16.

Facebook Comments