Estudyante na Lumabag sa GCQ, Nasamsaman ng Droga!

Cauayan City, Isabela- Nakuhanan ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang isang lalaki na nahuli sa curfew sa Gonzaga Extension, Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Paul Angelo Antonio, 21 anyos, estudyante na residente rin ng nabanggit na lugar.

Una rito, habang nagpapatrolya sa lugar ang chief Tanod na si Edwin Tayag ay nakita ang suspek na sakay ng motorsiklo na walang plaka na dapat ay wala nang gumagala sa labas dahil sa ipinatutupad na curfew hour.


Nang lapitan ng Tanod ang suspek ay nakita nito ang inihagis na pakete ng sigarilyo kaya agad namang pinulot at nang buksan ay nagulat ito dahil sa laman na isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nasamsaman pa ng dalawang (2) sachet ng shabu si Antonio sa loob ng kanyang sling bag.

Agad na itinawag ng Tanod sa himpilan ng pulisya ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Dinala sa Tuguegarao City Police Station ang suspek maging ang nakumpiskang droga para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments