Namaga at nanlabo ang kanang mata ng isang Grade 11 student sa Mangaldan National High School matapos itong suntukin ng kapwa mag-aaral noong Miyerkules.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa loob ng paaralan nang lapitan ito ng isang Grade 10 student at suntukin sa kanang mata.
Lumabo ang paningin ng biktima na agad namang dinala sa infirmary para sa paunang lunas.
Sa panayam kay Assistant Principal Danilo Eden, may nauna nang alitan ang dalawang estudyante sa kanilang barangay matapos umanong “kursunadahin” ng biktima ang estudyanteng nanuntok kaya itinuring nila itong isang “isolated case”.
Ipinatawag rin sa guidance office ang guardian ng estudyanteng nanuntok at napagkasunduang sasagutin ng pamilya nito ang pagpapagamot ng biktima.
Nagpaalala naman ang paaralan sa mga mag-aaral na humingi ng tulong sa barangay o guro sa halip na gumanti o manakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









