Estudyante na Tulak ng Droga sa Santiago City, Natimbog sa Reina Mercedes Isabela!

Reina Mercedes, Isabela – Natimbog ng mga kasapi ng PNP Reina Mercedes ang isang estudyante na tulak ng droga sa Santiago City kaninang madaling araw sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes Isabela.

Kinilala ang suspek na si Royvin John Raquepo Pacis, bente uno anyos, binata, isang estudyante at residente ng Victory Sur, Santiago City.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Michael Esteban, hepe ng Rena Mercedes Police Station, nagtagumpay umano ang isa sa kanyang mga tauhan na naging poseur buyer ng suspek sa isang pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng limang daang piso kung saan ay nakuha ang marked money sa pag-iingat ni Pacis.


Aniya, nagkasa umano ang pamunuan nito ng isang buy bust operation matapos na ipinarating ng isang concern citizen ang ginagawa ng suspek sa bayan ng Reina Mercedes.

Kaugnay nito, inihahanda na sa ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban kay Pacis.

Facebook Comments