Estudyante na Wanted sa Batas, Huli sa Cauayan City!

267

Cauayan City, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang isang estudyante matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas dyes kaninang umaga sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si John Randel Canaveral Eliots, 19 anyos, binata at nakatira sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City ang suspek matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Reymundo L. Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Slight Physical Injuries.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Eliots.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan City ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments