
Nadakip ang isang 22-anyos na lalaking kawatan na nadakip ng mga awtoridad matapos makatanggap ng reklamong pagnanakaw sa isang estudyante sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa pulisya, naglalakad ang estudyante sa kahabaan ng Dos Castillas Street nang biglang hablutin ng suspek habang naka-angkas sa isang motor ang cellphone ng estudyante.
Sinubukan aniya ng biktima na habulin ang mga ito ngunit hindi na niya ito naabutan.
Agarang nagreklamo ang biktima sa nasabing istasyon at nagkasa ng mga follow-up question.
Nanlaban ang mga suspek ngunit nakatakas ang kasabwat nito at tumakbo palayo.
Nakumpiska sa suspek ang isang improvised na baril, isang bala ng baril, motor, at cellphone ng biktima na nabawi kalaunan.
Ang nasabing biktima ay pangalawang biktima na ng mga suspek na taga-Quezon City.
Batay sa imbestigasyon, napag-alaman na pangalawang biktima na pala ang estudyante sa gabing iyon dahil una nang nagsagawa ng pagnanakaw ang mga suspek sa Quezon City.
Ang mga ninakaw naman na cellphone ay ibinebenta sa isang mall sa Divisoria.