
Kinumpirma ni PLtCol. Frederick Sa-Ao, acting chief ng Mati City Police Station, na nasawi ang isang lalaking estudyante matapos masangkot sa aksidente sa Barangay Matiao, Mati City, Davao Oriental.
Ayon kay Sa-Ao, naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang biktima at bumabaybay sa parehong direksyon ng isa pang motorsiklo nang bigla itong bumangga sa kasunod na sasakyan.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang estudyante sa center island at nagtamo ng malulubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Facebook Comments









