Isang 23-anyos na estudyante ang nasawi matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang truck bus kagabi, sa Balaoan, La Union.
Batay sa paunang imbestigasyon, pa-southbound ang motorsiklo habang pa-northbound naman ang truck bus na minamaneho ng isang 40-anyos na lalaki mula Laoag City.
Biglang lumihis sa linya ng bus ang motorsiklo, dahilan upang magsalpukan ang dalawang sasakyan. Tinangka ng bus driver na umiwas, ngunit hindi na naiwasan ang banggaan.
Dinala agad sa ospital ang estudyante ngunit idineklara siyang dead on arrival ng doktor. Ligtas naman ang driver ng bus. Parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









