Nasawi ang Isang estudyante matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Provincial Highway, Brgy. Polong Sur.
Ayon sa ulat ng pulisya, binabaybay ng isang 21-anyos na estudyante ang naturang Daan lulan ng kanyang motorsiklo nang biglang sumalubong sa kanyang linya ang isang 23-anyos na mekaniko na sakay ng isa pang motorsiklo.
Nagsalpukan ang dalawa kung saan nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang estudyante habang sugatan sa magkabilang binti ang mekaniko.
Agad silang isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City, ngunit binawian ng buhay ang estudyante habang ginagamot. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments