Estudyante ng Bestlink Colleges, magsasampa sa korte ng 10-million peso class suit dahil sa madugong aksidente sa Tanay Rizal

48
Manila, Philippines – Magsasampa  mamaya sa  Quezon  City Regional Court ng 10 million peso class suit ang limang sugatang estudyante ng Bestlink Colleges of the Philippines laban sa kanilang eskwelahan  at dalawang Tourist bus Company na Panda Coach at Harana.

Kasunod pa ri  ito ng madugong “Camping Accident” na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng maraming iba pang mag-aaral sa Tanay Rizal noong Febrero A-biente .

Si Atty. Victor  Rodriguez na abugado ni dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang Election protest ang boluntaryong legal counsel ng limang first year College students sa ilalim ng Lawyers for Commuters and Protection o LCSP.

Paliwanag ni Atty. Rodriguez na dalawa sa limang estudyanteng complainant ay pawang menor de edad habang isa sa mga ito ay nasa Intensive Care Unit pa rin ng Amang Rodriguez Medical Center.

Ayon kay Atty. Ariel Inton Founder ng LCSP, ang Civil case for damages ay kinapapalooban ng one million pesos for actual damages  kada isa sa limang estudyante na humingi sa kanila ng tulong na sina Jerwin Abulag, Marisol Botacao, Irriz  Ragua,Mark Literal  at Mark Barcelona.

Giit ni Atty. Inton dapat ay managot at hindi nila hahayaang makaligtas sa responsibilidad ang Bestlink, Panda Coach at Harana Coach Tours lalupat ang nasayang ay buhay ng mga kabataang estudyante. 

Facebook Comments