*Cauayan City, Isabela*-Umabot sa kabuuang 58 estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) mula Isabela ang personal na binigyan ng tulong pinansyal ng Provincial Government matapos hindi makauwi bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, personal na nagtungo ang Executive Assistant ni Governor Rodito Albano III upang iabot ng personal sa mga mag-aaral ang P3,000 bawat isa bilang tugon sa kanilang suliranin.
Una ng sumulat ang tanggapan ng Student Affairs ng UPLB para sa kahilingan ng mga estudyante na agad namang tinugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Maliban dito, namigay din ng bigas, mga delata, bitamina maging ang face mask sa mga estudyante.
Kuha mula sa contingency fund ang nasabing ayuda na ipinagkaloob sa mga mag-aaral.