Estudyante ng Vargas College Tuguegarao City, Nagpakamatay!

Tuguegarao City, Cagayan – Nagpakamatay ang isang
estudyente ng FL Vargas College sa Barangay San Gabriel, Bagay Road, Tuguegarao City sa oras na ala una ng hapon, Marso bente, taong kasalukuyan..

Ang 16 anyos na mag-aaral ay kinilalang si Jenifer Fronda Lagajet na
residente ng Tagga, Tuguegarao City.

Sa isinagawang pagsisisyasat ng PNP Tuguegarao, nabatid na nasa pang apat
na palapag ng gusali o paaralan si Lagajet at tumungo sa riles ng terrace o
beranda kung saan nakita sya ng isa sa kamag-aral at kaagad na himingi ng
tulong sa janitor.


Ngunit sinabi umano ng biktima na “Huwag kayo lalapit, tatalon ako”. Dahil
dito kaagad na nagtungo sa gilid ng gusali ang nakaduty na guard ng Vargas
College, subalit muli umanong sinabi ni Lagajet na ” Wala ka magagawa sa
problema ko kuya”.

Agad na tumalon ang estudyante mula sa pang-apat na palapag na nagresulta
ng kanyang matinding sugat sa katawan na itinakbo agad ng Rescue 1111 ng
Tuguegarao ngunit binawian din ng buhay habang isinasagawa ang lunas para
sa biktima.

Kasalukuyan parin ang imbestigasyon ng PNP Tuguegarao sa motibo ng
pagpapakamatay ng naturang estudyante.

 

Facebook Comments