
Dead-on-arrival sa ospital ang isang estudyante matapos maaksidente ang minamanehong motor sa Provincial Road, Barangay Sto. Tomas, sa syudad ng Candon, Ilocos Sur.
Nakilala ang 18-anyos na biktima na si alyas “Jay”, residente ng Barangay Bidbiday, Galimuyod.
Sa imbestigayson ng Candon City Police Station, binabaybay ng nasabing estudyante ang naturang kalsada patungong kanluran gamit ang Click single motor.
Kasunod dito ang NMAX single motor na minaneho naman ng isang 39-anyos rider kasama ang 19-anyos na back rider.
Nang makarating ang mga ito sa pinangyarihan ng aksidente, biglang lumiko ang naunang single na sanhi ng banggaan.
Nagtamo ang mga driver ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala ang mga ito sa Ilocos Sur Medical Center pero idineklara na ang 18-anyos na estudyante na dead-on-arrival.









