Estudyante sa City of Ilagan Isabela, Nagpakamatay!

City of Ilagan, Isabela – Natagpuang nagbigti sa sarili ang isang disisais anyos na binatilyo sa Barangay Guinatan, City of Ilagan, Isabela kamakailan.

Ang biktima ay kinilala na si Rommel Ardoronio na nakita ng nakababatang kapatid nito sa loob ng kanilang bahay na umanoy nagpakamatay gamit ang isang lubid.

Itinakbo ng Rescue 1124 ang biktima sa Governor Faustino N Dy Memorial Hospital ngunit dead on arrival na ito.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Arnold Bulan, ang Deputy Chief of Police ng City Police Station na kumbinsido umano ang mga magulang ng binatilyo na problema sa karelasyon ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

Hindi rin umano nasubaybayan o napansin ng mga magulang na may iniindang problema sa kasintahan ang biktima dahil sa abala sila sa kanilang mga trabaho.

Niliwanag din ni Police Inspector Bulan na walang foul play sa naturang insidente.

Samantala si Rommel Ardoronio ay nasa Grade 9 sa Isabela National high School ng City of Ilagan.

 

Facebook Comments