Estudyante sa Maddela Quirino, Tatlong Beses na Ginahasa ng Lalaking may Asawa!

Maddela, Quirino – Nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang isang disi syete anyos na estudyante dahil sa tatlong beses na ginahasa ng lalaking may asawa sa Maddela, Quirino.

Batay sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan ni Police Officer 2 Janette Tabag, ang imbestigador ng nasabing kaso, ang biktima na itinago sa pangalang Jolly ay sinamahan ng kanyang kapatid sa himpilan ng pulisya noong June 5, 2018, upang ireklamo ang panghahalay sa kanya ng suspek na kinilalang si Mariano Binwag, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Barangay Balligui, Maddela, Quirino.

Ayon umano sa biktima, ginahasa siya ni Binwag noong May 12,2018, pasado alas otso ng gabi habang nakatayo umano siya sa labas ng kanilang bahay at bigla na lamang  hinila ng suspek at dinala sa isang kubo-kubo, na malapit rin sa kanilang bahay.


Nasundan umano ang panghahalay noong May 15, 2018, sa kaparehong oras at lugar, at naulit noong May 23, 2018 kung saan habang naghahanda na umano ang biktima para matulog ay pumasok ang suspek sa kanilang bahay at hinila ang biktima papunta sa kubo-kubo.

Sinabi pa ni PO2 Tabag na naging positibo ang biktima sa panggagahasa base sa resulta ng kaniyang medical examination.

Samantala, kasalukuyan ding inihahanda ang regular filling laban sa suspek habang hinihintay  ang resulta ng pregnancy test dahil sa nakitang sintomas na maaring buntis na ang biktima.

Facebook Comments