ESTUDYANTE SA URDANETA CITY, AKSIDENTENG NABARIL ANG SARILI

Sugatan ang isang 18 anyos na estudyante sa Urdaneta City, matapos aksidenteng mabaril ang sarili.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang dala-dala umano ng biktima ang baril ay bigla na lamang nakarinig ng malakas na putok ang kanyang mga kaibigan. Nang puntahan, dito na nila natagpuan ang biktima na duguan.

Agad na dinala ang biktima sa malapit na pagamutan kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo. Rumesponde ang pulisya sa pinangyarihan ng insidente at narekober ang isang revolver pistol. Nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments