Estudyante, sawi sa coronavirus ilang Linggo bago sumapit ang graduation day

718

Patay ang 25-anyos na estudyante mula Michigan USA, ilang Linggo bago ang sana’y nakaplanong graduation day nito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa WXYZ report, nasawi nito lamang Sabado si Bassey Offiong, isang senior major in chemical engineering student ng Western Michigan University dahil sa sakit.


Kinumpirma ng eskwelahan at opisyal ng kanilang lugar ang pagkamatay nito ilang araw matapos maiulat na mayroong 3 kaso ng virus sa unibersidad.

Ayon sa salaysay ng kapatid ni Offiong, ilang beses daw tinanggihan ang kapatid sa pagpapatest sa kabila ng mga sintomas na nararamdaman nito gaya ng hirap sa paghinga, overfatigue at lagnat.

Makailang ulit daw niya itong hinikayat na magpa-test ngunit iginigiit daw nito ang pagtanggi ng mga medical staff at sinasabing mayroon lamang siyang bronchitis.

Nasawi si Offiong habang naka-ventilator sa isang ospital sa loob ng isang Linggo.

Labis naman ang pangungulila ng pamilya nito dahil sa nangyari.


Samantala, hindi pa rin malinaw kung isa ito sa tatlong estudyanteng nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang unibersidad.

Facebook Comments