Estudyante, sugatan matapos barilin ng kapwa estudyante sa labas ng unibersidad sa Abra

Isang 18-anyos na estudyante ang kasalukuyang nagpapagamot sa ospital matapos siyang barilin sa labas ng University of Abra – Main Campus sa Lagangilang, Abra.

Kinilala ang biktima na si Prince Albert Barbosa, residente ng bayan ng Dolores.

Ang 24-anyos na suspek naman ay nakilalang si Jave Talaga Bragas, kapwa estudyante ng biktima sa unibersidad, at mula Bucay, Abra.

Ayon sa pulisya, pasado 3:40 ng hapon noong Biyernes, Agosto 22, nang makatanggap sila ng ulat kaugnay ng pamamaril sa tapat ng paaralan.

Sa paunang imbestigasyon, lasing umano ang suspek nang paulit-ulit nitong barilin ang biktima bago tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad na isinugod sa Abra Provincial Hospital ang biktima para sa gamutan.

Patuloy namang isinasagawa ng mga awtoridad ang manhunt operation para sa suspek.

Facebook Comments