Sugatan ang isang mag-aaral habang tumatawid sa harap ng paaralan sa Garrita National High School sa Bani, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, biglang nahagip ng paparating na motorsiklo ang biktima matapos umanong hindi mapansin ng drayber ang biktima.
Tumilapon din ang drayber kasabay ng biktima.
Itinakbo sa pagamutan ang dalawa kung saan tinukoy na negatibo din ang drayber sa alcohol breath test.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









