Estudyante, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

22

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga awtoridad ang isang estudyante sa ikinasang drug buy-bust operation kahapon sa Brgy. Pengue-Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Jonalaine Martin, 20-anyos, dalaga at residente ng Rizal Street, Centro 9 sa naturang lungsod.


Nabentahan umano ng dalaga ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P500.00.

Nakumpiska naman sa pag-iingat nito ang tatlo (3) pang pakete ng hinihinalang shabu, isang cellphone at buy-bust money.

Nabatid na kabilang sa Street Level Individual (SLI) ang nahuling suspek at wala umano itong dating kinasangkutang kasong may kinalaman sa pagbebenta ng iligal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments