Estudyante, Timbog sa Pagbebenta ng Marijuana!

54

*Cauayan City, Isabela- *Nahaharap ngayon sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isang estudyante matapos na madakip sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rey John Masi, 18 anyos, at residente ng Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.


Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFMCauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), pasado alas sais kagabi nang mahuli si Masi sa isinagawang drug buybust operation ng mga kasapi ng PNP Cauayan matapos na mabentahan ng isang zip lock transparent plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang police poseur buyer.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang limangdaang piso (P500.00) na buybust money, isang unit ng cellphone, pitaka at isang school ID.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers