Estudyante tumalon sa 5th floor ng paaralan sa Dagupan City, depression nakikitang dahilan

Nagtangkang kitilin ng isang grade 12 student ang kaniyang buhay matapos itong tumalon sa 5th floor ng isnag gusali sa kanilang paaralan sa Dagupan City.
Sa panayam ng104. 7 iFM Dagupan sa PNP, pasado 10:00 ng umaga ngayong araw ng tumalon ang 17 taong gulang na babae sa isang unibersidad sa Barangay Tapuac Dagupan City.
Makikita sa kumalat na video ang pagtalon nito sa nasabing gusali at pagpigil sa kaniya ng ilang tao na nasa loob din ng unibersidad na huwag tumalon.
Depression umano ang nakikitang dahilan ng otoridad kung bakit nagawa ito ng biktima na patuloy na inoobserbahan sa isang ospital sa lungsod.
Pinabulaanan naman ng PNP Dagupan ang suicide note nito na kumakalat sa facebook at hiniling na huwag magpakalat ng maling balita sa social media.
Sa ngayon, humingi ng privacy ang pamilya nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Facebook Comments