Estudyante, Nadakip sa Kasong Rape, Marijuana Nasamsam!

Naguilian, Isabela- Bagsak kulungan ang isang estudyante matapos itong madakip sa kasong rape at masamsaman ng marijuana sa isinagawang pangangapkap ng mga kapulisan sa Brgy. San Manuel Isabela dakong alas syete y medya kanina Hulyo 29, 2018.

Kinilala ang akusado na si Adonis Pasion, 21 anyos, walang asawa, estudyante at residente sa naturang Barangay.

Nadakip si Pasion matapos ang isinilbing mandamyento de aresto ni hukom Isaac R. de Alban ng RTC branch 16, Ilagan City, Isabela sa kasong panggagahasa.


Samantala, nasamsam naman mula sa kanyang pag-iingat ang isang malaking sachet ng Marijuana ng kinapkapan ito ng kapulisan.

Agad naman itong dinala sa kustodiya ng PNP Naguilian para sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments