Estudyanteng nag-post ng pekeng kuwento na muntik nang kidnapin ng puting van, kakasuhan

FACEBOOK: Danao-City Gov't

Mahaharap sa cybercrime ang isang netizen sa Danao City, Cebu matapos gumawa ng kuwento sa Facebook na sinubukan umano siyang dakpin ng mga lalaking sakay ng isang puting van.

Ayon sa awtoridad, inihahanda ang kasong paglabag partikular sa “alarm and scandal” ng Cybercrime Prevention Act laban sa 21-anyos estudyante na hindi pa pinapangalanan ng pulisya.

“His action of posting malicious message to the social media had caused panic to the public which is tantamount to criminal offense,” ani Danao City Police Chief Lt. Col. Maribel Getigan.


Umamin umano ang lalaki sa pulisya na inimbento niya lang ang kuwento na nag-viral sa Facebook at humingi rin ito ng kapatawaran.

Dinala rin sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang estudyante para sa psychological examination.

Ayon kay Getigan, itutuloy ang kaso upang magsilbing aral sa lalaki at babala naman sa mga nagpapakalat din ng pekeng balita online.

Kamakailan lamang ay kabi-kabilang kuwento kaugnay ng mga kidnapper na sakay ng puting van ang kumakalat sa Facebook– ilan dito ay pinabulaanan na ng pulisya.

Facebook Comments