Nasakote ng pulisya ang tukoy na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Manuel.
Nakilala ang suspek na isang 19 anyos, isang estudyante, at residente rin sa nasabing bayan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay San Manuel Police Station Deputy Chief of Police for Administration, PCpt. Charisse Pacheco, tatlong bilang ng kasong panggagahasa ang kahaharapin ng suspek.
Pagbabahagi ni Pacheco, menor de edad na sarili pang kaanak nito ang umano’y naging biktima ng suspek.
Walang inirekomendang piyansa ang kanyang kaso, at kasalukuyang nasa kustodiya na ito ng pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









