Estudyanteng Wanted sa Batas, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang studyante na may kinakaharap na kasong Estafa matapos madakip ng kapulisan bandang ala una ngayong hapon sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jeus Casim, bente tres anyos, may-asawa, studyante at residente ng Wood Crest Village Homes, Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa Cauayan City Police Station, si Casim ay dinakip ng Cabatuan Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Maria Anastacia Manalang Labog ng MCTC, 2nd Judicial Region, Cabatuan-Luna, Isabela matapos masampahan ng kasong Estafa.


Dinala na sa Cabatuan Police Station si Casim para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposiyon at pansamatalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang tatlumpong libong piso.

Facebook Comments